Source: Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter (April 24, 2016 issue)

neo-jeremiahWe are inviting young parishioners to join us in our Bible study and sharing sessions every Sunday @ 4:00 PM at the Parish Hall

Click here to know more or
you may contact us:

Globe: 0927-323-6150
Sun: 0932-487-3188
Smart: 0998-854-4091

Paano natin malalaman kung tayo ay totoong sumunod kay Kristo? Ito ba ay makikita natin sa haba ng ating pagdadasal o ito ba ay makikita natin sa pagtulong sa ating kapwa? Ang ating ebanghelyo ngayong linggo ay tumutukoy sa pagmamahal. Kung mapapansin natin sa ating ebanghelyo, sinabi ni Hesus, “Mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo’y mag-ibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.” Napakahalaga ng kautusang ito kaya’t sinabi ito ni Hesus. Bakit sinabi ito ni Hesus? Kung susuriin natin ng mabuti ang ebanghelyo, kagustuhan ng Panginoong Hesus na magmahalan tayo sa isa’t isa, kapag si Kristo Hesus ang pinag-ugatan nito, malalaman ng lahat na ito ay ang walang hanggang pag-ibig. Ang pag-ibig na ito ay naisakatuparan ayon sa Kanyang pangako sa atin.

Bakit maraming mga kabataan ngayon ang nag-aasa ng wala sa tamang gulang?Hindi ba nila alam ang tuna na pag-ibig? O para sa mga kabataan ngayon, ito ay ang kanilang pananaw tungkol sa tunay na pag-ibig? Isang masalimuot na katotohanan sa kasalukuyang panahon ay ang pag-aasawa ng mga kabataan sa hin tamang panahon at biglaang desisyon sapagkat may nangyari na kanilang panagutan. Ang mga pangyayaring ito ay bunga lamang ng bugso ng damdamin ng mga kabataan dala na rin sa iba’t ibang impluwensya sa makabagong siglo. Kung iisipin natin itong mabuti, masasabi natin na masyadong materyal ang pananaw ng mga kabataan ngayon tungkol sa pag-ibig.

Maraming mga taong nagmahal ayon lamang sa kung ano ang ibinigay sa kanya. Halimbawa, mahal kita kasi ang bait mo, mahal kita dahil masipag ka. You love the person because of his/ her essence. Pero ang tunay na pag-ibig ay hindi makikita sa pisikal na anyo, kung hindi ito ay ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Sa kabilang dako, mahirap magmahal lalong lalo na kung ang isang tao ang siyang dahilan ng iyong paghihirap. Hindi mo kayang ibigay ang pag-ibig na kanyang inaasam-asam. Mahirap ang magpataawd kung hindi tumatanggap ng pagkakamali. Ika nga wala kang maibigay kung wala ka.

Minsan sa aking sarili napakadaling sabihin na mahal kita pero hindi ko lubos maintindihan kung ano nga ba ang pag-ibig. Pag-ibig ang dahilan kung bakit ako ay nandito ngayon sa mundo, ang pag-ibig ng Panginoon sa atin ay buo at lubos. Kung magmahal Sya ay todo at hindi limitado. Kahit masaktan Sya ay binibigay Nya ang lahat at buong sarili sa ngalan ng pag-ibig sa atin. Hindi kailangang ipaliwanang ito. Tingnan lang natin ang kris at makikita natin kung ano ang kaya Nyang ibigay at ibinigay alang-alang sa pag-ibig Nya sa atin. Minsan kapag nasaktan na tayo, lumiliit ang ating pag-ibig. Nagiging limitado. “Sinasabi natin na simula ngayon ay hindi na ako iibig pa ng todo. Konti lang para kung mabigo ay hindi gaanong masakit.” Pero hindi. Hindi pwedeng magmahal kung hindi rin lang naman todo. Ang masaktan ay bahagi ng buhay ng taong nagmahal at magmamahal. Kung hindi tayo handang masaktan ng lubos, huwag na lang tayong magmahal. Walang pag-ibig na konti. Ating tandaan na ang pag-ibig ay laging buo, ganap at ang pinag-ugatan nito ay si Kristo Hesus.

Sa huli, tanungin po natin ang ating mga sarili kung ibinibigay ba natin ng bui ang ating pag-ibig sa ating kapwa?

~ Dino