Source: Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter (May 1, 2016 issue)

neo-jeremiahWe are inviting young parishioners to join us in our Bible study and sharing sessions every Sunday @ 4:00 PM at the Parish Hall

Click here to know more or
you may contact us:

Globe: 0927-323-6150
Sun: 0932-487-3188
Smart: 0998-854-4091

Minsan na akong nasa matuwid na daan. Minsan na akong naging matatag. Minsan na akong nasa liwanag, pero sa kakalakad ko sa daang ito pakiramdam ko sapat na ito, Akala ko makakarating na ako agad… doon sa pangarap kong langit kasama ang Ama, pero hindi pala.

Malapit ko ng maabot yung pangarap kong makatapos sa pag-aaral sa kursong napili ko. Kasabay ng excitement kong ito, ay mga pagsubok na kakaharapin kong pang akademiko. Naging busy ako, ang dami kong tinatapos, bigla ko na lamang nararamdaman na parang ang dami ko palang gagawin. Di ko namalayan, nakalimot ako.

Habang nagiging abala ako sa pagtapos at pagresolba ng mga requirements ko, tila mabigat.. mas bumibigat. Hindi ko na alam, pati pala ang problemang hindi ko dapat dinadala ay mas iniisip ko. Parang may ibon ako sa aking kalooban. Ibon na nakakulong sa hawla at nagmamaktol, kumakawala, nag-iingay.

Hindi kaya’t nahila na naman ako ni satanas at tuluyang nilayo sa maliwanag at matuwid na daan. At patuloy na pinilay ang aking pananampalataya? Sa ebanghelyong ito, ipinaalala sa akin muli ng Diyos na kapayapaan ang kailangan ko. kapayapaan na mula sa Ama, hindi ang makamundong kapayapaan na parang hangin lamang na dumampi sa balat at nararamdaman lang saglit ngunit mawawala na. Kung hindi, kapayapaan na ibinigkas ng Ama, ipinagkaloob sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ipinapanatili sa puso, na magpapakawala sa hawla ng ibon. Kapayapaan ang handog sa atinglahat ng Diyos, huwag nating hayaan na ang “Peace be with you” na ihahandog natin at inihahandog natin sa ating mga kapwa sa misa ay manatiling salita, gawin natin itong kapayapaan mula sa Ama. Pagtibayin natin ang atin pang mga pananampalataya mula sa handog Nyang kapayapaan. Natutunan ko na ang buhay natin ay walang katapusan na pagsubok at paghamon ng Diyos kung magiging matatag tayo hanggang huli, pero lagi Nyang ipapaalala na maging mapayapa tayo sapagkat ang ating tagumpay ay hindi kailanman matutumbasan ng kahit anong materyal, pera, medalya o kahit anong tropeyo kundi ang ligaya sa piling ng Ama sa langit.

~ Love