Palagi nating naririnig ‘yong kasabihang, “Kung may gagawin kang mabuti ay gawin mo na ngayon.” Gayunpaman, marami pa rin ang nagsasabing “Saka na lang.” Ipinagpaliban pa nila ang gawaing mabubuti sa paniniwalang may panahon pa naman at marami pang pagkakataon.
Sa pagsunod sa Panginoon ay kinakailangan ang dagliang pasya – without delay. Ito ay binibigyang pansin sa ebanghelyo sa lingoong ito. Sa pangkalahatan at tatlo ang mensahe sa ebanghelyo:
Una, one must give up all security; One must delay at one must forget the past and face the future.
Without Delay – ito ang panawagan ng Panginoon. Sa ebanghelyo ay atubili pa ang ikalawang tinawag. Wika niya “hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang aking ama.” Sindi nangangahulugan na patay na ang kanyang ama. Sa kultura ng mga Judio ay inililibing kaagad ang patay sa araw ng kamatayan. Ibig sabihin lamang ay nais umuwi ng tinawag upang intayin ang pagpanaw (at dumalo sa libing) ng amang sa sandaling yaon ay nasa panganib nang kamatayan.
Ang tugon ni Jesus, “Ipaubaya mon a sa mga patay ang pagpapalibing sa kanilang mga patay.” Sa unang tingin ay mahirap itong unawain. Dalawang antas ng kamatayan ang tinutukoy ni Jesus. Let the (spiritually) dead bury the (physically) dead. Ang mga patay sa espiritu ay yaong walang panahon para sa Diyos kundi sa mundo kaya sila na ang maglilibing sa mga patay. Ang mga buhay sa espiritu ay hindi nababahala sa mundo kaya kaagad silang susunod sa Panginoon. They follow the Lord without delay.
Maraming pagkakataon na tayo ay tinatawag ng Panginoon. Sa bawat sandal ay inaanyayahan niya tayo na gumawa ng kabutihan. Dapat tayong tumugon nang walang pasubali. Kaagad-agad! Without delay! Marami ang masasayang kapag ipinagliban pa natin ang paggawa ng mabuti. Sabi nga, “justice delayed is justice denied.”
Msgr. Leandro N. Castro
Source: June 30th 2019 issue of the Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter.