Sa ebanghelyo para sa linggong ito ay may nagtanong kay Jesus, “‘Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?” Sa halip na tuwirang sagutin ito ni Jesus ay kanyang inilarawan ang hirap sa pagpasok sa makipot na pintuan.
Ibig nga ng Diyos na maligtas ang lahat ng tao (1 Tim 2:4). Sa katunayan ay naganap na ni Jesus ang pagliligtas. Ito ang ibig sabihin ng “Ligtas na tayo dahil sa pag-aalay ni Kristo ng buhay sa krus. Gayunman, kailangan pa rin tayong magsikap na iligtas an gating sarili sa pamamagitan ng pananatili sa grasyang bunga ng pagliligtas ng Kristo.
Kakaunti nga ba ang maliligtas? Siguro ay kakaunti kung bindi tayo magsisikap na pumasok sa makipot na pintuan. Tunay, mahirap magpakabuti at mahirap gumawa ng mga sakripisyong nagpapabanal. Gayunman, kung nais nating dumami ang maliligtas, sikapin nating tahakin ang daang ito.
Nililinaw sa ebanghelyo na hindi sapat ang lumapit sa Panginoon kung wa1a narnang kahandaang sumunod sa kanyang mga tagubilin. Hindi sapat ang pagiging Kristiyano kung hindi naman tatalima sa utos ni Kristo. Hindi sapat ang pagpapabinyag sa pananampalatayang Katoliko kung hindi naman isasabuhay ang pananampalataya.
Akala ng marami ay sapat na ang pagdalo sa Misa at pananalangin upang maligtas. Kulang pa ang mga ito. Kailangang samahan ug pagkilos at pagdamay sa kapwa. Kailangan ang pag-ibig. Hindi sapat ang pagdarasal sa Diyos kung walang pagmamahal sa kapwa.
Kailangan pa ang makataong pagsisikap upang pakinabangan ang pagli1igtas ni Kristo. Tunay, tayo’y ligtas na pero hindi pa.
A reflection by Msgr. Leandro N. Castro from the August 25th 2019 issue of the Neo Jeremiah Voice of the Young Prohet Newsletter.