Heaven is the place of the humble and meek of heart while hell is the place for the proud and arrogant. The two cannot be mixed up. To be true Christian, one must possess all the virtues contained in the Beatitudes. This was so clear to the Matthean Christian community. The way to heaven is not something obscure. For Matthew the Beatitudes is the clear guide in daily life then and now.
The teaching of Jesus about blessedness (or mapalad) according to Matthew is to imbibe heavenly virtues or heavenly richness alone. If ever one happened to have had many possessions, they had to use them to attain the kingdom of heaven, that is, used them for the good of the community. No wonder then that in the Acts of the Apostles, “The community of believers was of one heart and mind, and no one claimed that any of his possessions was his own, but they had everything in common” (Acts 4:32).
Contrary to the thoughts of many today, blessedness is not about to have this or that or to have them all. No. Blessedness is about being transformed by Christ’s teaching in the Beatitudes not having consumed by the worldly allurements. Christianity is other centered life. That what the Beatitudes is telling us today, though the world teaches us the opposite.
Like the Matthean Christian Community, let us also make the Beatitudes our way of life, our ID. Let the Beatitudes shape or reshape our characters and attitudes deformed by indifference and selfishness. Amen.
~ Fr. Edgar Ma. Benedi-an, OSM
MAPALAD SA PAGPAPALA NG PANGINOON
Ang buhay relihiyoso ay talaga namang hindi gawang biro. Ang pagsasabuhay ko ng aking mga ipinangako sa harap ng Panginoon at Kanyang bayan gaya na lamang ng pagiging masunurin ay hindi ganoon kadali. Kung hindi dahil sa awa ng Panginoon at sa Kanyang pagpapala at biyaya, marahil ay hindi ako nagtagal sa ganitong uri ng buhay.
Sa aming mga klase sa School of Theology, ipinaalala sa amin ng aming propesor ang isang mahalagang aspeto ng pagiging pari at pagiging relihiyoso. Wika niya, ang isa sa mga bagay na dapat naming tandaan kung kami man ay maging mga pari balang araw ay ang salitang “paglilingkod”. Ito raw ang mithiin at kaganapan ng buhay pari at maging ng buhay relihiyoso. Iniaalay namin ang aming sarili upang maglingkod sa Diyos at sa Simbahan. Ang gantimpala nitong paglilingkod na ito ay hindi ang mga bagay na narito sa mundong ibabaw. Ang gantimpala ay ang makita ang kaluwathatian ng Diyos at ang magkamit ng buhay na walang hanggan.
Ito ang pinagsusumikapan ko bilang isang prayle; ang makita ang kaluwathatian ng Diyos. Mapalad ako sapagkat sa awa ng Diyos ay muli at muli akong tumutugon sa tawag Niya at kahit may mga balakid sa aking paglalakbay ay nakakaya ko pa ring lagpasan ang mga ito. Ako ay may kahinaan at ako ay makasalanan rin kaya nga kinakailangan kong pagsumikapang mahalin ang Diyos at ang aking kapwa tao, iwasan ang magkasala at gumawa ng kabutihan. Mapalad ako at may mga kapatid akong prayle na nagmamahal sa akin. Mapalad ako at may mga kabataan sa ating Parokya na nagmamahal sa akin. Mapalad ako at mayroon akong pamilya, mga kaibigan at mga kamag-anak na nagmamahal sa akin. Hari nawa, maipadama ko rin sa kanila ang pagiging mapalad sa pamamagitan ng pagmamahal. Sa ganitong paraan lamang mas magiging mapalad akong sa dapithapon ng buhay ay makita ang rikit at ningning kagandahan ng Birheng Maria na nagmahal at patuloy na nagmamahal sa akin ng tunay at wagas. Sigurado ako na kapag nasilayan ko na aking Ina at Reyna ay masisilayan ko rin sa wakas ang ang aking Panginoon. Siya nawa.
~ Fra. Ronel
PRAYER TO START THE WEEK
Lord Jesus, help us choose kindness, humility, and love even when it’s not popular or easy. When we feel ignored, judged, or tired of doing what’s right, remind us that You see our hearts and call us blessed. Teach us to trust You and live Your way, knowing that real joy comes from following You. Amen.
Diocese of Parañaque








