Sino si Hesus o ang Diyos para sa ating mga Katoliko?  Magkatugma ba ang ating pagkakilala at pagkaunawa sa itinututo sa atin ng ating Simbahan?  O baka mayroon tayong kakaibang pagkakilala sa kanya, malayo sa itinuturo sa atin ng ating Pananampalataya?

Ano ang mukha ng Jesus na alam mo? sino siya para sa iyo? Siya ba ang nasa Krus o ang Jesus na walang Krus?

Totoo na bawat tao ay may kanya-kanya at ibat-ibang pananampalataya.  May personal, may pang pamilya, may pang samahan, may pang lipunana na paniniwala.  At tinatawag natin itong unique at katanggap-katanggap.  Ikaw bilang isang Katoliko, ano ang paniniwala mo?  Sino si Jesus para sa iyo.

Para sa iba, si Jesus ay tao lamang.  Para naman sa iilan, siya ay isang propeta at manggagamot.  At may iba namang nagsasabi si Jesus ay isang anak ng Diyos at Tagapagligtas ng sanlibutan.  Pero para sa atin, siya ay lahat sa nabanggit.  Si Jesus ay tunay na naging tao, propetang manggamot dahil siya ay tunay na anak ng Diyos na buhay at tagapagligtas nating lahat.  siya ay tunay na Diyos.  Mahalaga na makilala nating lubos ang Panginoong Jesus at paniwalaan siya.  Ngunit sapat na ba ito para tayo maligtas?

ang ating pangalawang pag basa nagpapaalala sa ating ga Katoliko.  Hindi sapat ang pagkilala at pananalig na walang kalakip na pagkilos o gawa.  Kung para sa atin si jesus ay anank ng Diyos na buhay, dapat buhay din siya sa ating mga buhay; sa ating pag iral, pagkilos at pakikipag kapwa tao.  Sabi nga , Christianity is a religion of love. At dapat ang love na ito ay “ibinabahagi at nararanasan ng bawat isa.” To be a Catholic is to be lover.  and love, according to Mother Teresa of Calcutta, means to love till it hurts.

Ito ang hamon ng Panginoong Jesus sa kanyang mga tagapakinig at mga alaga- sa bawat isa sa atin.  Katulad ng ating Panginoon, normal lang na makaranas tayo ng pagtuligsa, pag alipusta at lahat ng uri ng kahirapan sa pagsasabuhay ng ating ananampalataya.  Sa mundo o lipunang walang pagkilala sa Diyos, asahan ang mga ganitong karanasan.  Ngunit hindi dapat tayo matakot.  “If God is for us, who can be against us?”. (Rom 8:31)

Ang tamang pagkakilala sa Panginoong Jesus ay nangangahulugan ng tamang pagkilos at pag uugali-kristiayanong pag-uugali.  Ito rin ang magdadala o magbubunsod para kumilos para abutin ang kamay o damayan ang ating kapwa.  Huwag natin tularan ang ginawa ni Pedro.  Sa halip na sumunod kay Jesus at maging daan para sa iba, siya ay naging balakid o hadlang sa daan o plano ng Panginoong Jesus.  Kailan tayo huling naging daan o kailan ka  huling sumunod kay Jesus.  O kaya naman, kailan ka naging balakid sa kanya? O baka naman siya na ang sumusunod sa iyo sa halip na ikaw ang sumusunod sa kanya?

Ang tunay na pagkakilala kay Jesus ay hindi nagiging hadlang kailanman.  Ngunit ang maling pagkakilala sa kanya ay tunay na balakid o hadlang sa tunay na diwa ng pagiging katoliko. Pwede din itong tawaging maling akala.  Nakakalungkot ang mabuhay sa “akala”.  Sabi nga, lahat ng akala ay mali.  Sa makatuwid, walang akala na tama.  Nawa ang ating pagkakakilalal kay Jesus ay hindi galing sa “akala”.

Walang totoo sa akala.  Walang nananatili at tumatagal sa akala.  Ngunit ang lahat ng mga iyon ay walang kabuluhan o dangal.

Tunay at totoo lamang ang tumatagal.  Si Jesus ay tunay na anak ng Diyos na buhay.  At ang kanyang pag-ibig at pagmamahal ay tunay.  Pinatunayan niya ito sa Krus.

Sabi nga, ang tunay na umiibig lamang ang tumatagal at nanatili.  Ang tunay na umiibig lamang ang may kakayahang mag-alay ng sarili para sa kanyang iniibi.  Ganoon din sa ating pananampalataya.  Ang ating buhay ay magkakaroon ng tunay na halaga lamang sa oras at panahon ng pagdamay sa kapwa,  Ito ay isang “buwis-buhay”.

~ Fr. Edgar Ma. Benedi-an, OSM


Source: Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter – September 16, 2018 issue.