Makahulugan ang isinulat ni Papa Benedicto XVI sa apostolic exhortation na pinamagatang Sacramentum Caritatis. Ayon sa kanya, “The love that we celebrate in the sacrament in not something we can keep to ourselves. By its very nature it demands to be shared with all” (SC,84).

Ang ganitong kaisipan ay angkop na pagnilayan sa pagdiriwang ng Dakilang kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo o Corpus et Sanguis Christi. Inilarawan sa ebanghelyo ang pagpaparami ng tinapay. Noon pa man ang himalang ito ay iniugnay na sa Banal na Eukasritiya. Ang mga kilos at pananalita ni Jesus ay tumutukoy sa magaganap sa Huling Hapunan.

“Pinaghati-hati niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.” Iisa ang diwa — kailangang hati-hatiin, kailangang ibigay, kailangang ipamahagi. Sa wikang Ingles — bread broken, bread shared. Kaya naman ang naganap ay tinatawag na Himala ng Pag-ibig. 1to ay himalang naganap dahil sa pagbabahagi na bunga ng pag-ibig.

Sa nabanggit na dokumentong Sacramentum Caritas, niliwanag ng santo papa na ang Eukaristiya ay hindi lamang pinaniniwalaan (a mystery to be believed), hindi lamang ipinagdiiwang (a mystery to be lived).

Bahagi ng pagsasabuhay ng Eukaristiya ay ang pagbabahagi.

Ang tumatanggap ay dapat ding magbigay. Kung sa pagdiriwang ng Banal na Misa ay tumatanggap tayo ng pag-ibig ni Kristong nag-alay ng buhay para sa ating kaligtasan, hinahamon tayong magbahagi rin ng pag-ibig para sa kagalingan at kaligtasan ng kapwa.

Paulit-ulit kong sinasabi s homiliya, ”Sayang ang Banal na Misa kung ang dumadalo rito ay manatiling makasarili.” Kabalintunaan kung kung walang pag-ibig at pagbabahagi.

Tama ang santo papa. Hindi natin sasarilinin ang pag-ibig na ipinagdiriwang sa Eukaristiya. Kailangang ibahagi ito sa ating kapwa.

~ Msgr. Leandro N. Castro


Source: Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter, June 23, 2019 issue.