Sa mga tunay na nagmamahalan at nag-iibigan, hindi hadlang ang agwat o layo sa isat-isa. Pinaglayo man ng mga bundok, ilog at magkakahiwalay na puok, gayon paman, sila ay pinagbubuklod ng pag-ibig na namamagitan sa kanila. Malayo man, malapit din.

Maraming uri ng habilin. Ngunit ang habilin ng Panginoong Hesus ay iisa lamang; ang mag-ibigan tayo tulad ng pag-ibig niya sa atin.

Sa ating ebanghelyo sa linggong ito, si Hesus av mav ipinahihiwatig at hinahabilin sa kanyang mga alagad noon at sa bawat isa sa atln ngayon. Nalalapit na ano-kanyang paglisan. Ang pahiwatig na ito ni Hesus ay hindi tanda ng paglisan o pag-iwan niya sa atin ng lubusan. It’s not a sign of total abandonment. Bagkos, ito’y nangangahulugan na si Hesus ay hindi para sa sanlibutang ito, kundi siya ay para sa Arna, at surnasa-Ama. At tayo, bilang mga anak, ay mapasapiling din ng Diyos na ating Ama sa langit ng pag-ibig matapos natin tahakin ang landas ng pag-ibig d1to sa lupa.

May habilin sa atin si Hesus. Una, sinabi niya “mag-ibigan kayo.” Ito ang buod na mensahe ng ebanghelyo noong nakaraang linggo. Ito ang batayan ng ating pakatao at pagka-kristiyano.

Si Hesus, ang nagkatawang taong Pag-ibig ng Diyos Ama, ang ating daan patungo sa langit. Samakatuwid, tanging pag-ibig lamang ang paraan at daan patungo sa lugar ng pag-ibig-tungo sa piling ng D1yos. Tulad ni Hesus, tayo ay inatasan tumahak sa daan at landas ng pag-ibig upang makarating tayo sa piling ng D1yos na Pag-ibig.

Madalas ang pamamaalam at paglisan ng isang minamahal ay nagdudulot ng kalungkutan at takot. Totoo, nakakatakot maiwan at mawalay sa isang minamahal. Ngunit mas nakakatakot sa buhay ay kung wala sa iyo nagmamahal. Gaano man krami ang tao sa paligid mo ngunit kung wala naman sila kaugnayan sa buhay mo, ngunit tila baga para ka rin nag-usa. Ngunit sa mga taong may ugnayan, mapalayo o paglayuin man sila ng maraming pagkakataon, tila baga nananatili silang magkapiling sa isat-isa.

Likas sa tao ang natatakot. Pero hindi likas sa tao ang hindi marunong umibig. Ngunit sa taong tunay na umiibig, at iniibig, takot ma’y napapawi. Lahat tayo ay mahal ng Diyos. Lahat tayo ay iniibig ng Diyos.

Nawa manatili tayo sa pag-ibig, manatili sa kay Hesus, tulad ng pananatili niya sa atin sa lahat ng oras at pagkakataon, sa pamamagitan ng mga Sakramento at ng Espititu Santo, na nagpapatibay at nagpapalakas sa ating mga kalooban sa tuwing tayo’y natatakot at balisa sa ating araw-araw na pamumuhay. Ang Diyos ay kapiling natin. Sa pamamagitan ng pag-iibigan natin sa isa’t isa, malayo man, malapit din. Amen.

Fr Edgar Ma. Benedi-an, OSM


Source: Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter May 26, 2019 issue.