“Your father is waiting. Do you see him?” Rafiki told Simba. “I don’t see anything,”Simba replied. “Do you see him? He lives in you,” Rafiki said. “Simba, you must take your place in the circle of life,” said Mufasa. “I can’t,” Simba replied “You must remember who you are, you’re one true king.” Mufasa insisted. “Sorry, I don’t know how to be like you,” Simba replied. “I am most proud of one thing, having you as my son.” Mufasa declared. “That was long time ago,” Simba clarified. “No Simba, that is all confirmed,” Mufasa reaffirmed. “Please don’t leave again,” Simba pleaded. “I never left you. I never will. Remember who you are. Remember…,” Mufasa reassured. “And so I ask again, who are you?” Rafiki asked. “I am Simba, Son of Mufasa,” Simba exclaimed. This part of the movie “The Lion King” is the most moving scene for me. It teaches and brings us to the very core point of the gospel; the love of the father is far greater than his children’s misconduct or sin. The gospel invites us to consider how great the love of God for us is. Love triumphs over indifference, sin and even over death.

Punong-puno ng aral at hamon an gating pagbasa sa linggong ito. Ang estorya sa unang pagbasa ay nagpapahayag ng kawalan ng paninindigan at pananampalataya ang mga Israelita sa Panginoon. Sa isang iglap, agad nila nakalimutan ang kagandahang loob ng Diyos.  Dahil sa inip sap ag-aantay kay Moses, nakahanap agad sila ng kapalit sa diyos. Tulad ng nga Israelita sa lumang Tipan, marami rin sa atin ang bilis makalimot sa kagandahang loob at Pag-ibig ng Diyos. Madali tayo mainip. Madali tayo mapagod. Mabilis tayo magreklamo. Hindi tayo nananatili. Umaalis agad tayo. Ang lahat ng ito ay sanhi ng ating pagkamakasarili at kawalan ng Diyos sa simula pa. Tunay nga’ng makasalanan ang tao. Walang inisip kundi ang sarili.

Sa ikalawang pagbasa naman, si San Pablo, bago naging taga sunod ng Panginoong Hesus, siya ay isang tagausig. Ngunit sa dakilang pag-ibig ng panginoong Hesus, siya ay pinatawad at ibinilang sa mga pinili. Binura at pinatawad ang lahat niyang kasalanan dahil na rin sa kanyang lubos na pagsisisis sa dating maling gawi. Tinanggap niya si Hesus bilang kanyang Panginoon at tagapagligtas. Sa makatuwid, ang tao, bagamat mahina at prone to sin, ay natututo rin kumilala at tumanggap sa kanyang kahinaan at pagkakasala. Sa katayuan ni San Pablo, gaano man marahil kasama ang isang tao, ngunit sa awa at pag-ibig at ng Diyos ay nagbabago rin. Ito ang karanasan ng ilan sa atin.

Sa ating ebanghelyo, isinaysay ni San Lucas ang tunay na katangian ng Diyos sa katauhan ng isang amam na may dalawang anak na lalaki. Parehong may pagkukulang at kamalian ang dalawang anak. Pareho silang makasarili at walang pagmamahal sa kanilang ama. Ang mahalaga sa panganay ay ang kanyang barkada. Samantala ang sa bunso naman ay ang kanyang mana at luho. Pareho wala silang panahon sa kanilang ama. At ang masaklap, hindi maganda ang ugnayan nila sa isa’t isa. Nanaig sa kanila ng pagkanya kanya. May pagkukulang baa ng ama? Wala. Labis ang kanyang pagmamahal sa kanilang dalawa. Sa ating ugnayan sa isa’t isa bilang magkakapatid kay Kristo, may mga pagkakataonhindi maiwasan ang hidwaan at inggitan. Tulad ng mga eskriba at parisseosa katayuan ng panganay na anak, ang daling manumbat o magbilang. Pakiramdam natin tayo ang karapat dapat. At dahil nasa tama tayo, we emand from the Lord of something. Tila baga utang na loob o obligasyon ng Diyos bayaran ang mga nagawa nating kabutihan. O kaya naman tulad ng bunsong anak, walang pakialam. Sarili lamang ang iniisip. Puro luho ang iniintidi. Walang panahon sa pamilya.

Lahat tayo ay may pagkukulang at pagkakasala sa Diyos at sa isa’t isa. Kadlasan ang kasalanang ito ay magbubukal sa hindi magandang pakikitungo o ugnayan natin sa Diyos at sa isa’t isa. Walang mabuting samahan. Hindi maganda ang ugnayan Walang maayos na relasyon. Nawa maging hamon sa atin ang ebanghelyo. Magkaroon nawa ng pagpanibago at pagbabalik-loob tayo sa Diyos at sa isa’t isa. Bahagi sa buhay ng tao ang minsa’y mawala o maligaw ng landas. Ngunit matuto din nawa tayo kumilala sa ating pagkakamali, magsisi at magbalik loob sa Diyos. Para sa Diyos, sapat na itong dahilan para magsaya at magdiwang kasama niya. Amen.


A reflection from the September 15th 2019 issue of the Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter of the St. Peregrine Laziosi Diocesan Shrine.