Ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili at sa bawat tahanan. Ang pagbabago ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagdadamayan at at pakikiisa sa iisang hangarin, ang magkaroon ng panibangong pananaw at ang batayan ay ang Diyos. Kung ang diyos hindi niya ginagawang baguhin ang tao liban sa ito ay makiisa sa kanyang kalooban, paano pa kaya ang isang simpleng tao lamang?

Sa kasalukuyang panahon, marami sa atin mabubuhay sa pangako at pangarap na pagbabago mula sa ibang tao.. At ayon sa kasaysayan, madalas ang isunusulong na pagbabago ay idinadaan sa dahas. Ito ay baluktot at mali na paraan para makamit ang tunay na pagbabago. Ang pagbabago hindi hango sa katotohanan, sa karapatan at buhay ng tao ay isang kasinungalingan o kaya”y isang palabas. Ito’y malayo sa katotohanan.

May kasabihan, “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Madalas iniaasa natin sa isang tao ang mga bagay na tayo dapat ang gumagawa o kaya tayong lahat dapat ang gagawa. Kaya marahil walang nangyayari sa ating bansa. Mas lalong lumalala ang problema. Madalas na bukang bibig, “hindi ko trabaho yan. Trabaho nila yan !” We expect for change, yet we don’t work it out.

Bilang mga mananampalatayang Katoliko, inaanyayahan tayo ng ating Panginoong Jesus, ang totoong Hari ng Pag-ibig at paglilingkod na baguhin natin ang pananaw sa buhay at pakikitungo sa kapwa. Huwag iasa sa isang tao ang dapat gawin ng lahat. Mahalaga sa ating mga Filipino ang pakikilahok. Ang pagbabago na hindi ayon sa plano ng Diyos ay nakakatakot. Ayon sa kasaysayan, madalas trahedya ang kinalalabasan nito.

Sino ba talaga nag sagot sa tunay na pagbabago? Ano dapat ang panuntunan o criteria ng isang ideal na pinuno o king? Gusto ng iba dapat matapang at walang sinasanto. Kayang pumatay sa ngalan ng pagbabago. May kamay na bakal ba dapat? Hindi dapat nakakaramdam ng awa, sapagkat ang pagkaawa ay kahinaan. To have compassion and mercy are signs of weakness? Iyan ang ideal ” strong- man” ng karamihan. He is the new hero. For some he is their true savior. Hindi na yong nakabayubay sa krus. Everything is reverse. According to sociological survey, the criminal turns to be the victim while the victim turns to be the criminal; like what had happened between Jesus and Barabbas. Sabi pa ng ilan, “di bale na bastos at minumura ang lahat basta ginagawa ng tama ang trabaho.?” What!! Hindi ba kasama sa trabaho ang ugali ng pagtrato? Nasaan ang tamang pag- iisip at moral natin? Kaya hindi nakapagtataka, kaliwat kanan ang bastusan at murahan, lalo na sa social media. Diyan ba tayo nakilala sa buong mundo? Ang masaklap pa, Kristiyano daw sila! Wow ha!! Hiyang-hiya naman si Lord sa kanila. Ginamit pa siya. Pwede ba si Barabbas nalang? Kung sa lumang kanta sinasabi, “maginoo pero medyo bastos”, ngayon, wala na sa word na “maginoo”, ang word na lang na “bastos” ang natira.

Kawalan ng Diyos ang ugat. O kaya naman may iba nang diyos. alalahanin natin, ang mundong ito ay hindi natin tunay na kaharian.

Para sa tunay na Kristiyano, ano ang tunay na pamantayan ng isang pinuno o namumuno? Una, si Jesus ang ating tunay na modelo sa paglilingkod dapat may pagmamahal, may malasakit, mahabagin, at nagsasakripisyo para sa lahat. Pangatlo, sa ngalan ng pag-ibig nag-aalay ng sariling buhay para sa lahat ng pinuno. Ganito ang katangian ng tunay na Kristiyanong pamumuno at Pinuno.

Sa pagdiriwang natin ng Pagka-Hari ng ating Panginoong Jesus, matularan nawa natin ang kanyang ginawa sa bawat araw na hamon ng buhay paglilingkod, ang paglilingkod na hindi showbiz. We serve not to amuse or entertain our followers but to challenge them to do the same as Jesus did. Amen.

 – Fr. Edgar Ma. Benedi-an, OSM


Source: Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter (November 25, 2018 issue)