Nais kong ibahagi ang magandang pagninilay na nabasa ko sa isang aklat na pinamagatang Bringing the Word to Life. Wika ng may-akda na si Michael R. Kent, “Life has no greater wish than to endow us with its favors but also demands that we give up certain things to possess them If we want freedom of an uncluttered life, we may need to dispossess ourselves of some of our belongings. If we want better health, we may need to forsake poor eating habits … If we want to climb mountains, we have to leave our fishing boats on the shore. Thaf s life! Everything good has its price.”

Ganyan ang mensahe ng huling bahagi ng ebanghelyo para sa linggong ito. Matapos na makasaksi ng mga kagila-gilalas na bagay (Bagama’t sa magdamag na pangingisda ang mga alagad ay walang nahuli, nang sumunod sila kay Jesus ay napuno ng isda ang dalawang Bangka na halos lumubog), ang mga alagad ay nagpasyang sumunod kay Hesus. Kinailangang iwan nila hindi lamang ang bangka kundi lahat sa kanilang buhay.

Ganito ang hamon ng pagsunod sa Panginoon. Dapat talikdan ang lahat ng bagay. Ito ay tinatawag na giving up at letting go. Tulad ng pahayag ni Kent, kung nais nating magkamit ng isang bagay, dapat ay handa rin tayong tumalikod sa isa pang bagay. Wika sa Ingles, You cannot have your cake and eat it, too. Totoo nga naman, kapag kinamtan mo ang isang bagay, may mawawala sa iyo. Having one means losing the other. Ang problema: madalas ayaw nating tumalikod sa mga bagay na itinuturing nating mahalaga kaya naman hindi tayo magkamit ng lalo pang mahalaga. Maraming tao ang naghabangad ng magandang kalusugan subali’t hindi mapigilan ang sarili sa pagkain ng matataba at matatamis. Maraming Kristiyano ang gustong mapalapit sa Diyos at mubuhay sa grasya nguruniy ayaw namang umiwas sa kasalanan. May mga taong gustong maging matagumpay ngunit hindi naman nagsisikap-mga estudyanteng nais magkamit ng diploma subalit tinatamad mag-aral. Naging matapang ang mga alagad ni Jesus na iwan ang lahat upang siya ay sundan. Nawa magkaroon din tayo ng ganoong katapangan na talikdan ang mga bagay upang makamit ang mga pangarap. At sana ang pangarap na ito ay makasama ang Diyos sa kanyang kaharian. Sana ay matanto ng tao na walang halaga ang yaman ng daigdig kung ihahambing sa kayamanang makalangit.

Gusto mo ring sumunod kay Jesus? Iwan mo ang lahat-lahat.

-Msgr. Leandro N. Castro


Source: Neo jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter February 10, 2019 issue.