Halos lahat abala. Bawat isa may ginagawa. Ni hindi mo makausap ng matino. Hindi na nawawalan ng lakad ni nauubusan ng gagawin. Parang hindi napapagod. Higit sa lahat, hindi na naubusan ng dahilan o di kaya palusot. Saan ang lakad mo? Para saan ba iyan? Hanggang saan ka ba dadalhin n’yang lakad mo? Ngunit sa lahat ng ito, di kasama ang Diyos. Iba ang sinusundan. Malamang, sa kalaunan, iba din ang patutunguhan.

Sa ating mga pagbasa ngayon linggong ito, tayong lahat ay inaanyayahan ng Panginoon sumunod sa kanya. Saan ba siya pupunta? At ano ang nag-aantay sa kanya sa lugar na pagdadalhan n’ya sa atin? Ang Panginoong Jesus ay patungong Jerusalem. At bago pa man siya makarating doon, kailangan niya dumaan sa bayan ng Samaria. Alam natin ano ang nag-aatay sa Panginoong Jesus sa Jesrusalem—ang kamatayan. At alam din natin anong uri ng ugali o pagtrato kay Jesus ng mga mamamayan ng Samaria—pagtanggi o rejection. Ang mga places (imaheng) na ito ay mga pahiwatig sa hirap ng pagsunod sa ating Panginoong Jesus, hirap sa buhay Kristiyano. Susunod ka pa ba sa kanya? May sinasabi sa isang patalastas, “saan aabot ang sampong peso mo?” Maaari din natin itanong, “hanggang saan aabot ang pananampalataya mo?”

Isa sa mga mahirap gawin sa buhay ay ang sunumod. Some follow blindly. While others, before they say yes, they first calculate or laid numerous conditions or ask questions like: “may Wi-Fi ba doon?” O kaya, “completo ba gamit doon? “May service ba?” At kung anu-ano pa tanong para lang matiyak na ang lahat ay siguradong maayos at comfortable. Kahit sa atin pagsisimba, madalas, hirap tayo maging consistent. Paano pa kaya sa pagsunod sa mga halimbawa at mga utos ng ating Panginoong Jesus? Ngunit dahilan na ba ito para tayo ay tumanggi sa kanyang paanyaya? Dahilan na ba ito para tayo tumigil o di kaya umuwi na lamang? Ang sabi ng Panginoon, sumunod tayo sa kanya. Hindi hadlang ang kahinaan o ang pagkakamali sa pagsunod. To fail or commit mistakes are not hindrances. Perhaps to go ahead of the Lord, yes.

Sabi ng karamihan, “ano makukuha ko pag umatent ako sa Misa?” O kaya naman, “saying oras ko.” “Mabuti pa matulog” o kaya “pumunta sa mall, at least enjoy pa at malamig.” Paano kung ang Diyos na mismo ang makalimot sa iyo? Paano nalang kung ang Diyos na ang mawalan ng oras o panahon sa iyo? Saan kaya aabot ang mga ganitong katwiran? Sigurado, hindi sa langit.

Bakit nga ba ang hirap gawin ang ginawa ng Panginoong Jesus? Bakit ang hirap sundin ng kanyang mga utos? Simply lang ang sagot. Ang makalangit na utos o pag-uugali ay talagang mahirap. Madali gawin at sundin ang mga gawain at utos na panlupa. Kaya bumaba si Jesus, ang Anak ng Diyos para tayo ay akayin patungo sa langit. Ngunit bago mangyari ito, kailangan natin dumaan o mag stopover sa Samaria at Jerusalem. Di ito madali. Walang shortcut na daan. Ngunit si Jesus ang tunay na Daan na hahantong sa Ating Ama sa langit. May sinasabi ang Panginoong Jesus sa bawat isa sa atin, “sumunod ka sa akin” (v.59). Amen.

Rev Fr Edgar Ma. Benedi-an, OSM


Source: June 30th 2019 issue of the Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter.