Ano ba ang ating naiisip kapag mababanggit anf salitang templo? Marahil ay kaagag-agad pumapasok sa ating isipang ang malaking gusali na yari sa bato at semento kung saan natitipon ang sambayanang nagdarasal at sumasamba. Iyan ang limitadong pagkakaunawa natin sa temple – nakatuon lamang sa bahaging pisikal, sa gusali at estraktura.
Sa ebanghelyo sa linggong ito ay tinutukoy ang temple hindi lamang sa bahaging pisikal kundi sa mas malalim pang kahulugan nito. Tinukoy ni Jesus ang kanya mismong katawan na “giniba” man ay kanyang “naitayo” sa loob ng tatlong araw. Sa simula’y hindi maunawaan ng mga Judio ang kanyang pananalita ukol dito.
Pinagmalasakitan din ni Jesus and templong gusali o bato. Ipinagtatabuyan niya sa labas ang mga mangangalakal. Hindi niya nais ang nagaganap ang palitan sapagkat umiiral na salapi ay ang titnatawag na Roman coinage samantalang ang ihahandog sa temple ay ang Jewish shekel. Bukod dito ay ang pagbebenta ng mga hayop na iaalay din sa temple. Naroon ang pagpapataw ng halagang higit sa dapat. Naroon ang dayaan sa komersiyo. Ayaw na ni Jesus na gawing palengke ang bahay ng Ama.
Sa paglalapat sa ating buhay, titawagan tayong magmalasakit din sa simbahan bilang gusali. Kinakailangan ang paggalang sa bahay ng Diyos. Iwasan sana ang mha usapang walang kaugnayan kaugnayan sa pagsamba. Ang pananamit sana ay iaayon sa kabanalan ng lugar na ito na siyang bahay- dalanginan. wika ng gaming retreat master, “May mga abay sa kasal na maganda ngunit lantad na lantad ang kagandahan.”
Higit dito, kinakailangan din natin pagmalasakitan ang katawan bilang temple ng Espirito Santo. Isang malinis na puso ang dalhin sa bahay-dalanginan . Kapag tayo ay pumapasok sa pinto ng simbahan, isipin natin na may tinig na nagsasabi ng ganito, “You are entering the house of God. Leave outside anything that is not of God.”
Ang simbahan ay tayo mismong bumubuo ng sambayanan. Kinakailangang magkakaisa tayo sa buklod ng pananampalataya at pag-ibig. Ang gusali ay batong patay. Tayong natitipon dito ang “batong buhay” na pinanahanan ng Panginoong muling nagtayo ng temple sa loob ng tatlong araw at nabuhay upang bugyan tayo ng bagong buhay.
Source: Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter March 4 2018 issue.