Naranasan mo na bang magmadali? O lagi kaba nagmamadali? O di kaya’y minamadali? Ano ang madalas na dahilan bakit kayo nagmamadali?
Sa ebanghelyo natin ngayong ikaapat ng Linggo ng Adviento, si Maria, pagkatanggap ng Mabuting Balita mula sa Anghel, ay agaran “nagmamadaling” pumunta sa kanyang pinsan para ibahagi ang kanyang natanggap mulasa Diyos – ang Anak ng Diyos na si Hesus. Diyos ang tinanggap, Diyos ang ibingay/ibinahagi. Ang diyos ang dahilan ng kanyang pagmamadali. Ito ang diwa ng Pasko. Ang diyos ang pinagmulan ng ganap na kagalakan-ng ating pagmamadali.
Sa kasalukuyang panahon, halos lahat ay kaya at madali nang gawin at kamtin. Isang pindot lang, diyan na agad. Sa kabilang banda, maraming nabubuo o nangyayari sa ating buhay bunga o dulot ng pagmamadali. Madalas, hindi mabuti – hindi kaaya-aya. Marami din ang nasisira at napapahamak ang buhay bunga ng pagmamadali. Madalas di maganda ang bunga ng pagmamadali. O bakit ka nagmamadali. May lakad lang. O bakit minamadali Saan ang punta o lakad mo?
Si Maria ay nagmamadali. siya ay nagmamadaling ibinahagi ang kagalakan hating anghel-si Hesus. Nagagalak pa ba tayo magbahagi? Excited pa ba tayo magshare sa ating mga natanggap? Bukal sa loob ang iyong pagbibigay o ang iyong pagdalaw sa nagngangailangan. Hindi ipinapabukas ang paggawa ng mabuti. Samakatuwid, there is no second child. There is no second or third announcement of the angel to Mary. Once we missed the first one there will be no more. Perhaps another oppurtunity. Yes, Christianity is always a HERE and NOW moments. Kaya magmadali tayo. Sabi nga, “grab the oppurtunity.” For oppurtunity comes only once.
Nawa tulad ng ating mahal na Ina magmadali tayo lagi sa pag-gawa ng mabuti sa ating kapwa. Lagi nawa tayo excited. Lagi nawa tayo magmadali sa pagdamay sa ating kapwa. Amen.
~ Fr. Edgar Ma. Benedi-an, OSM
Source: December 23rd 2018 issue of the Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter of the St. Peregrine laziosi Diocesan Shrine.