Isang tanyag na pangulo ng Estados Unidos ang tumigil na sa pagpapasya pagsapit ng ikaapat ng hapon. Naniniwala siya sa kawikaang, “A tired mind rarely makes good decisions and one bad decision can create – countlesstragedies. “Tama ang pangulong iyon. Hindi nga dapat pilitin ang isip na magtrabaho pa kung ito ay napapagod na. Tiyak, walang mabubuong magandang desisyon ang isang pagod na isipan.
Sa ebanghelyo para sa linggong ito ay ipinakita ni Jesus ang pagpapahalaga sa pamamahinga. Winika niya sa mga alagad na kababalik pa lamang galing sa pagmimisyon. “Magtungo kayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at makapagpahinga kayo nga kaunti.” Nagmamalasakit si Jesus sa katayuan ng mga alagad na napagod sa pangangaral. Siya mismo ay naglalaan ng panahon para mamahinga at manahimik sa ilang na pook. Doon ay nakikipag-ugnayan siya sa kanyang Ama.
Sa buhay ni Jesus ay naroon ang paglilingkod at pagbibigay ng sarili. Ginugugul niya ang buong araw sa pangangaral, pagpapagaling, at paggawa ng mga himala. Kapansin-pansin na maafa siyang gumigising at nananalangin. Doon siya kumukuha ng panibagong lakas. Alam ni Jesus na hindi maaring ituon ang lahat ng panahon sa paggawa lamang. Kailangan ding mamahinga at makipagunayan sa Ama. Sa pananalangin ay tinitipon ng Panginoon ang kanyang ibabahagi. Work time is giving. Rest time is receiving.
Ibang-iba ang aking buhay ngayon sa parokya. Mahirap isipin. Napakaraming trabaho. Parang wala nang panahon mamahinga. Ang totoo, humahanap ako ng panahon mamahinga. Hindi ko kakayanin na palaging gumagawa. Naniniwala ako sa aking nabasa sa isiang aklat, “Work hard but find time to relax. Focus on something different than your job. Your mind will think clearer. You will make better decisions. You will see life through different eyes.”
Saan ako kumukuha ng lakas? Walang iba kundi sa panalangin. Ang araw-araw na banal na oras sa harap ng Santisimo Sacramento ang kadluan ng lakas at sigla sa aking paglilingkod. Hindi ko alam subalit sa mahiwagang pamamaraan ng diyos ay napapawi ang pagkapagod at pagkabagot kapag ako ay nakikipagniig kay Jesus sa Banal na Sacramento.
Ayaw kong manghina ang aking pananampalatayadahil sa lubhang pagkapagod sa paglilingkod at kawalang pahinga. Tama si Mike Murdock, ” Faith walks out when faith walks in.”
Source: Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet July 22, 2018 issue.