Sa huling paghahabilin at pamamaalam sa yumao ay sinasambit ang ganito, “Umasa tayong magkikita-kita muli sa piling ni Hesus. Doon ay wala ng dusa, kalungkutan at kamatayan kundi ang namamayani ay lubos na ligaya at buhay na walang hanggan.”
Nakakawala ng lungkot ang gayong mga salita. Nakapagbibigay ito ng pag-asa. Hindi pala dapat katakutan ang kamatayan dahil magbubukas ito ng pinto ng Paraiso kung saan wala nang makalupang pagdurusa. Doon ay madarama ang ligayang hatid ng makalangit nap ag-ibig sa piling ng Diyos.
Ito ang hindi paniniwalaan ng mga Saduseo. Hindi nila tinatanggap ang turo ukol sa Muling Pagkabuhay. Sa linggong ito ay sinubok nila si hesus. Ang salaysay ukol sa pitong magkakapatid na lalaki na napangasawa ng isang babae ay may layunin ipamukha kay Hesus na walang saysay ang Muling Pagkabuhay sino nga naman ang kikilanling asawa ng babae yayamang napangasawa niya silang pito?
Matalino ang tugon ni Hesus. Sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Ang layunin ng pag-aasawa ay upang magpatuloy ang buhay. Sa kabilang buhay ay wala nang kamatayan. Laging may buhayat buhay ang lahat ng hinirang ng Diyos kaya wala nang kamatayan. Laging may buhay sapagkat nasa piling na sila ng Diyos na bukal ng buhay na walang hanggan. Sa langit ng buhay, ang langit ay puno ng buhay kaya wala nang halaga ang pag-aasawa.
Magandang tanawin ang gayong buhay sa kabila. Dito sa lupa, kahit ang inaasam-asam na kaligayahan sap ag aasawa ay nababalutan din ng lungkot at pighati. May hangganan ang kasiyahan sa lupa. Ang ganap na ligaya at buhay ay matatagpuan doon sa kaluwalhatian sa langit, sa piling ng Diyos.
Kahit si Ninoy Aquino ay hindi nawalang ng pag-asa. Sa kanyang solitary confinement ay kanyang sinulat “We will see each other again, if not here, in that kingdom where love is eternal.” Ito rin an gating hangarin – ang walang hanggang pag-ibig ba tatamasain sa ating Muling Pagkabuhay sa piling Diyos Ama na Buhay.
– Msgr. Leandro N. Castro
A reflection from the November 10th 2019 issue of the Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter of the St. Peregrine Laziosi Diocesan Shrine.