Sa panahon ngayon, tila bagang hindi sapat ang may pinag-aralan ka o may natapos. Kailanagn ding mapamaraan o madiskarte sa buhay. Madalas nga lang ginagamit ang istilong ito para mandaya, manlamang, manggamit, manira at manggulang sa kapwa para umangat. Ito ang kagawian ng karamihan. Madiskarte sa makalupang bagay ngunit tamad, salat o walang panahon para umunlad sa mga bagay na makalangit. Sa buhay ng pagiging Kristiyano, ang pagsunod sa panginoong hesus, tulad ng ginawa ng di tapat at mandarayang katiwala sa ebanghelyo, ay maging maparaan din nawa tayo sa paggawa ng mabuting para sa ating kinabukasan sa langit. Kung ang kinabukasan pamilya ay pinaghihirapan at pinaghahandaan, gayon din naman, ang buhay sa langit ay pinaghihirapan at pinaghahandaan din. Kung ang pinag-aralan ng ilang taon ay hindi sapat para makakita o makahanap ng maayos o marangal na trabaho kaya kinakailangan ng diskarte, gayon din naman sa pananampalataya. Tila baga sinasabi ng Panginoon; hindi sapat ang sabihing naniniwala ka sa Diyos o binyagan Katoliko ka, o kaya nagdarasal naman ako o nagsisimba naman ako, nginit hindi naman marunong dumiskarte o mapamaraan. Ibig sabihin, hindi naman gumagawa ng mabuti sa kapwa araw-araw. Ito’y hindi sapat.

Isang dahilan bakit maraming walang trabaho sapagkat ayaw matrabaho. Maraming tamad. Ayaw magbanat ng buto. Walang tiyaga walang nilaga. Walang diskarte sa buhay bagaman may pinag-aralan. Kung tamad ang isang tao kumilos para sa kanyang ikabubuti, paano pa kaya kung para sa ikabubuti ng iba. Gayon din sa pananampalataya. Salvation is not cheap. Yes, it is given as a gift. Para mapasa iyo kailangan mo itong tanggapin at pagyamanin. Grace is not cheap. Heaven is not a dump site into which everything that is useless is thrown. Hell does. Tulad ng kinabukasan ng pamilya ditto sa lupa, ang kaligtasan ay pinaghihirapan. Hindi ito kayang bilhin o kayang bayaran. Heaven is like climbing. Hell is like fallin-effortless.

Sa unang pagbasa (see Amos 8:4-7) ipinakita sa atin kung gaano ka sakim ang mga negosyante at mayayaman sa panahon ni propeta Amos (ca.786-746 B.C.). Dahil sa pagmamahal sa pera o salapi, kahit ipa ng trigo binebenta pa. Sa araw ng pamamahinga (Sabbath) ay nagrereklamo. Gusto na agad matapos ang araw sa pamamahinga para makapagbenta o makapaghanap-buhay na. Inip na inip na. Kahit ang araw ng diyos ay gusting gawing araw ng kita – araw ng pera. Tila baga hindi pa sapat ang anim na araw para ditto. Double o higit pa magpatubo sa paninda. Gusto yumaman agad. Dahil sa sobrang kasakiman may ilan hindi na sapat ang million nap era. Gusto billion na. Kung nangyari ito sa panahon ni propeta Amos (ca.786 B.C.) at sa panahon ni Hesus (ca.1-33 C.E.), nangyari din ito sa kasalukuyan (2019 C.E.). Tulad ng sinabi ni Hesus “Hindi ninyo mapaglingkuran nang sabay ang Diyos at kayamanan”. (v.13). Kaya sa ikalawang pagbasa, pinaaalahanan tayo ni San Pablo sa kahalagahan ng pananampalataya natin kay Hesus at ang bunga at hatid nito sa ating araw-araw na pamumuhay.

Sa ating ebanghelyo, hinahangaan ni Hesus ang “mapamaraang” kilos o “diskarte” ng katiwala. Ginamit niya ito para palalalahanan ang kanyang mga taga sunod noon at tayo na tagasunod niya ngayon na tularan ang ganoong pagkilos o pamamaraan hindi para sa pansarili at makalupang seguridad (short term) kundi para sa makalangit na seguridad (long term). Ibig sabihin, tayong mga Kristiyano dapat ay mapamaraan at naglalaan ng bilyong dolyar para isulong at pondohan ang mapanirang idolohiyang sumisira sa pamilya tulad ng Sogie Bill, RH Bill at iilang abortion clinics at hospitals para kumitil ng milyon-milyong inosenteng buhay bilang paraan ng population control para sa kaginhawang makalupa, tayong mga kristiyano nawa’y “mapamaraan” o “madiskarte” din gamit ang pananampalataya, pag-ibig, awa at habag sa pagsulong sa pagtatanggol at pangangalaga sa bawat buhay at pamilya para sa buhay sa kalangitan. Amen.


A reflection by Rev Fr Edgar Ma. Benedi-an, OSM from the September 22, 2019 issue of the Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter of the St. Peregrine Laziosi Diocesan Shrine.