Iba ang iniingatan o inalagaan kaysa sa binabantayan o minamanmanan. Sa taong may malasakit bunga ng pag-ibig, likas sa kanya ang mag-alala at magmalasakit para sa kapakanan at ikakabuti ng kapwa. Ngunit sa taong walang pagpapahalaga sa iba liban sa sarili, lagi ang nakikita o hinahanap sa kapwa ay kamalian at kasiraan nito.

Bilang isang kristiyano, ano at sino para sayo ang kapwa mo? Saan o sa papaanong paraan ba masusukat ang halaga ng ibang tao? Ano ang batayan natin sa tuwing nagkakamali ang ibang tao? Paano natin sila tinitingnan? Sa papaanong paraan natin sila tinatama o kinu-correct sa tuwing sila nagkakamali?

Likas ba talaga sa atin ang manghusga o mag-isip ng masama o ikasasama ng ating kapwa? O, totoo ba na ang tao, bago s’ya nagkamalay at nagkaisip ay nasa state of “tabola rasa” or blank slate” ayon kay John Locke? Is the issue here then a matter of learning?

Si Jesus, sa kanyang pagpapatuloy sa pagtuturo sa kanyang mga tagasunod as nagbigay ng dalawang uri ng saluubin o niluloob ng tao: mabuti at masama. Ito ang batayan kung sa papaanong paraan at saan nagmumula an gating pagtama sa isang mali o pagpuna sa mali ng iba. Kagaya nga nang sinabi ni Jesus,”A good person out of the store of goodness in his heart produces good, but an evil person out of a store of evil produces evil; for from the fullness of the heart the mouth speaks.”

Papaano tayo natuto at anu-ano ang ating mga natutunan simula noong tayo’y nagkamalay at nagkaisip? Ito ba’y mabubuti o masasama? Ang mga ito ba’y mabubuti o masasama? Ang mga ito ba’y para sa pansariling kapakanan lamang at walang kinalaman ang ibang tao?

Si Jesus ay may tinuturo sa atin. Ang itinuturo nya ay mga makalangit na pang-uugali. Mainam na habang tayo’y nasa mundong ito, sinasanay na natin ang ating sarili sa mga makalangit na pagkilos at pag-uugali. There is no easy way in learning. But I think, in Jesus, as our best teacher, life becomes easier compared to a life without Him. All we need to do is to constantly connect, abide, stay and listen to Him—to constantly learn from Him.

Bilang magkakatid kay Kristo, tayong lahat ay inaanyayahan na magdamayan at magmalasakit sa isa’t-isa. Itama ang maling gawi at gawa. Huwag masanay sa mali. Wag mamuhay sa mali. Maraming paraan ang Diyos para makamtan nating ang mabuti at ikabubuti natin. Marahil hindi lahat ng tama ay gusto natin. Ganon pa man, masanay tayo gumawa at gawin ang tama. Ito ang tawag sa atin. Dito tayo tinawag. Ang Diyos na bukal ng lahat ng kabutihan ang ating hantungan.

~ Edgar Ma. Benedi-an, OSM


Source: Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter – March 03, 2019 issue.