ANG BANAL NA SANTATLO: UGNAYAN NG PAG-IBIG

Biblical Context: Sa Juan 3:16-18, makikita natin ang pinakapuso ng ating pananampalataya. Bagama’t hindi direktang binanggit ang salitang “Santatlo,” malinaw ang pagkilos ng Diyos Ama na nagpadala sa Kanyang kaisa-isang Anak para iligtas ang sanlibutan. Bago ang mga talatang ito, itinuro ni Hesus kay Nicodemo na kailangan nating muling isilang sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang makita ang kaharian ng Diyos (Juan 3:5). Ipinapakita ng buong kabanata ang magkakasamang pagkilos ng Ama, Anak, at Espiritu Santo para sa ating kaligtasan.

Theological Meaning: Sa Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo, ipinapaalala sa atin na ang Diyos ay hindi isang malayo at nag-iisang nilalang. Siya ay isang perpektong komunidad at ugnayan ng pag-ibig. Ang pag-ibig na ito sa loob ng Santatlo ay umapaw kaya’t ibinigay ng Ama ang Anak sa sangkatauhan. Malinaw na sinasabi sa Ebanghelyo na hindi ipinadala ng Diyos ang Anak para hatulan o parusahan ang mundo, kundi para tayo ay iligtas at bahaginan ng Kanyang buhay na walang hanggan.

Pastoral Application: Ang Banal na Santatlo ay hindi lamang isang malalim na doktrina; ito ay isang mainit na paanyaya para sa ating pang-araw-araw na buhay. Marami sa atin ang nakararanas ng kalungkutan, pagkawasak ng pamilya, o takot na husgahan ng iba. Ngunit ipinapakita ng Ebanghelyo na ang Diyos ay isang pamilya ng pag-ibig na laging handang tumanggap sa iyo. Inaanyayahan tayo na lumabas sa dilim ng ating mga kasalanan at lumapit sa liwanag ni Kristo. Kapag tayo ay nagpapatawad, nagmamahalan, at namumuhay nang may pagkakaisa sa ating tahanan at komunidad, naisasabuhay natin ang perpektong pag-ibig ng Santatlo dito sa mundo.

Prayer: Ama, Anak, at Espiritu Santo, puspusin Mo po ang aming mga puso ng Iyong pag-ibig upang kami ay maging instrumento ng pagkakaisa at liwanag sa aming kapwa. Amen.

~ Rev. Fr. Ador Ma. Javier, OSM


“For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.”

Itong pamilyar na berso ng Mabuting Balita ay hindi lang ang pinakakilala dahil ito ay nagtataglay ng magandang aral para sa atin. Sinabi rito na dahil sa wagas na pagmamahal ng Diyos, ibinigay niya ang kanyang Anak upang iligtas ang mundo. Sa pagliligtas sa atin, ipinakita niya kung paano siya magmahal nang wagas. Ang pagmamahal ng Diyos ay hindi kayang lubos na maunawaan.

Inihahalintulad ko ang kanyang pagmamahal sa dagat o karagatan; ang dagat ay malalim, malawak, nagbibigay ng buhay, at hindi nauubos o nagsasarado.

Malalim, sapagkat ang pagmamahal ng Diyos ay hindi masusukat. Hindi ito mapapantayan ng naiisip at nalalaman lamang natin.

Malawak — hindi lang sa isang grupo ng mga tao niya ibinibigay ang kanyang pagmamahal, kundi sa lahat-lahat. Patunay na rito ang pag-aalay ni Hesus ng sarili hanggang kamatayan upang bayaran ang mga kasalanan ng buong sangkatauhan.

Nagbibigay ng buhay — Ang dagat ay tahanan ng mga isda at iba pang nilalang na nilikha para doon. Ang dagat ay pinagkukuhanan din ng pagkain ng tao. Tulad ng tubig na bumubuhay, ang pagmamahal ng Diyos ang nagbibigay-buhay sa atin. Ibinigay ng Diyos ang kanyang Anak upang tayo ay “magkaroon ng buhay na walang hanggan”.

If I don’t have God in my heart, I will feel more empty because God is not in my heart. Hindi ka makakontento kahit lahat ng bagay ay nasayo na. Oo, sasaya ka ng saglit pero mararamdaman mong may kulang sa loob mo.

Si Hesus ay ipinadala upangntayo ay iligtas. He needs our response and cooperation. Hindi namimilit si Lord kung ayaw nating gawin ang kanyang sinasabi: hindi siya mamimilit kung ayaw natin sumunod at pasakop sa kanya.

“Whoever believes on Him will not be condemned.”
This is why faith-in-action is needed. We need to practice virtue. Magtiwala tayo sa Panginoon at sa kanyang mga sinasabi, at makikita natin ang kanyang wagas at naguumapaw na pagmamahal. Katulad ng sinabi ni Saint Thomas Aquinas: “I believe because Jesus said so” — kung sinabi ni Lord, bakit ko pa pagdududahan? Katulad lang ito kapag sinasabi sa atin ng ating mga magulang ang petsa ng ating kaarawan. Naniniwala ako sapagkat ito ang sinabi nila sa akin. Ganun din kay Hesus: sinabi niya ito, kaya naniniwala ako, tayo.

Ang Mabuting Balita ay hindi lamang nagbigay ng aral, nagbigay din ito ng realisasyon na ang pagmamahal ni Hesus ay sobra-sobra at wagas. Hindi man natin namamalayan, patuloy na ibinibigay niya ang lahat para sa atin, kahit ang kanyang sarili— kaya dapat tayong magpasalamat araw-araw. Araw-araw niya tayong binibigyan ng bagong umaga at buhay. Ang tanging maitutugon ko: Salamat po Panginoon, palagi mo po akonh tulungang magtiwala sa iyo.

~ Shaina Pajarillo


PRAYER TO START THE WEEK
Lord Jesus, thank You for loving us so deeply and reminding us that we are never beyond Your mercy and care. In the middle of our studies, work, friendships, dreams, and struggles, help us choose faith over fear and live as young people who reflect Your love to others. Guide us to stay close to You each day, so that our lives may become a witness of hope, kindness, and truth in the world.


Originally published in the Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter (May 31, 2026 issue).