
As mentioned by the Lord Jesus in today’s Gospel, a denarius was a fair, standard day’s wage for an agricultural laborer during his time. Therefore, the laborers who worked all day long were paid justly. The generosity of the landowner of the vineyard for those who were hired later and were paid with the same amount cannot be taken against him. The early-morning workers agreed to a contract of labor but their resentment stems from comparing their status to others rather than celebrating the landowner’s goodness towards the other workers. The landowner’s payment scheme was not based on economic standards but on mercy.
God’s justice is like this. It is anchored in His mercy and not in our own merits. For only by the mercy of God can we truly benefit from His generosity and love. In the same manner, salvation is a gift of divine initiative and not a wage earned through human effort. God measures by need and generosity rather than human standard.
At our end, may we look at the blessings of other people and thank God for these as we also appreciate all that God has given us despite our unworthiness. We must always bare in mind that God’s ways are not our ways. We can only celebrate with others who are blessed when we see God’s grace in them and forget our merits which make us envious of others. It is always God’s initiative to bless us because He loves us. We must also see it that way in the blessings received by others.
~ FRA. RONEL MA. ADVINCULA, OSM
Ang Mabuting Balita ngayong araw ay ang pinakapaborito kong talinghaga na itinuro ni Hesus sa Kanyang mga alagad, dahil isa ito sa mga tanyag na aralin ng mga magaaral na mababasa sa batayang aklat ng asignaturang Filipino (Panitikang Asyano) noong Ika-siyam na Baitang (Grade 9) sa mataas na paaralan.
Hindi lamang ang ilang mga bagay patungkol sa wikang Filipino ang aking natutunan, kundi pati na rin ang paksang-diwa na nilalaman ng talinghagang ito. Ang kuwentong ito ay sumasalamin sa hangarin ng Panginoong Diyos sa atin. Inilagay Niya tayo rito sa daigdig upang Siya ay kilalanin, mahalin, at paglingkuran upang makapiling natin Siya sa walang-hanggang kasiyahan sa langit (Katesismo ng Iglesia Katolika Blg. 1721)—ito ang pangunahing bokasyon natin sa Diyos—tinatawag Niya tayo sa buhaykabanalan.
Ayon sa Dakilang Papa San Gregorio sa kanyang sermon, ang mga manggagawa sa ubasan ay ang mga taong tinawag ng Diyos upang magsumikap na mamuhay ayon sa Kanyang kalooban at makamtan ang buhay na walang hanggan; ang iba’t ibang oras ng pagtawag ng may-ari ng ubasan ay maaaring sumagisag sa mga yugto ng buhay ng isang tao—mula sa pagkamusmos, kabataan, hanggang sa katandaan—at sa mahabang Kasaysayan ng Kaligtasan—mula sa panahon ni Adan, sa pagdating ni Hesus, hanggang sa panahon ng Simbahan.
Ang Diyos ay Panginoon ng Kanyang mga biyaya, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapala, ang isang naglingkod sa Kanya kahit sa sandaling panahon ay maaari rin sa Kanyang gantimpalang makalangit na katulad sa mga nauna. Iyon ay ang buhay sa kaharian ng Diyos; tayong lahat ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.
Kaya, sa halip na tayo ay mainggit sa mga nahuling tumugon sa tawag ng Diyos, maging masaya tayo dahil makakapiling natin sila sa kaharian ng Diyos—sapagkat ang makapiling ang Maykapal ang pinagsusumikapan nating makamit.
~ Bryan Acosta
PRAYER TO START THE WEEK
Lord, help us stop comparing our lives, achievements, and blessings with other people. Teach us to trust that You have a plan and a purpose for each of us, even when we feel like we are falling behind. Help us be grateful for what we have, celebrate others when they succeed, and remember that Your love is always enough for us. Amen.
Originally published in the Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter (September 20, 2026 issue).
Diocese of Parañaque









