
Ang Paghuhukom at ang Tunay na Kadakilaan
Sa Mateo 25:31–46, inilalarawan ang huling paghuhukom sa pagdating ng Anak ng Tao sa Kanyang kaluwalhatian bilang Hari at Pastol. Titipunin ang lahat ng bansa at pagbubukurin tulad ng tupa (mga pinagpala sa kanan) at kambing (sa kaliwa). Ang pamantayan ng paghuhukom ay hindi nakasalalay sa katanyagan, talino, o pormal na relihiyon, kundi sa aktibong pag-ibig at habag sa kapwa: pagpapakain sa nagugutom, pagpapainom sa nauuhaw, pagpapatuloy sa dayuhan, pagbibihis sa hubad, at pagdalaw sa may-sakit at bilanggo.
Ang pinakasentro ng aral na ito ay ang radikal na pakikipag-isa ni Hesus sa “pinakahamak sa aking mga kapatid”. Ang anumang kalinga o pagpapabaya sa mga aba at nangangailangan ay direkta nating ginawa o ipinagkait sa Panginoon Mismo. Sa makabagong kultura ng social media, madalas tayong nahuhumaling sa followers, panlabas na anyo, at pansariling tagumpay. Subalit binabaligtad ng Ebanghelyo ang pananaw ng mundo: ang tunay na sukatan ng kadakilaan ng isang kabataan ay ang lalim ng kanyang malasakit sa kapwa.
Hindi mo kailangang magkaroon ng malaking yaman o kapangyarihan upang makapaglingkod. Sa iyong pamilya, barkada, paaralan, o komunidad, maraming taong nagugutom sa pagmamahal, nauuhaw sa pag-asa, at nakakulong sa takot o kalungkutan. Sa tuwing pinipili mong damayan ang isang kaklaseng nag-iisa, magbahagi sa kapos, magtanggol sa inaapi, at magpakumbaba, personal mong niyayakap at pinaglilingkuran si Kristo.
Huwag nating sayangin ang sigla ng ating kabataan sa pagiging manhid. Maging mga tupa tayo na may pusong bukas at handang tumulong nang kusa at walang hinihintay na kapalit. Sa bawat payak na gawa ng habag, itinatayo natin ang Kanyang kaharian tungo sa buhay na walang hanggan.
Panalangin: Panginoong Hesus, buksan Mo po ang aming mga mata at puso upang makita at mapaglingkuran Ka sa mga nagugutom, aba, at pinakahamak sa aming kapwa, nang sa bawat payak na gawa ng habag at tapat na pagmamahal ay maihayag namin ang Iyong paghahari at maranasan ang buhay na walang hanggan kasama Mo. Amen.
~ REV. FR. ADOR MA. JAVIER, OSM
Ngayong Kapistahan ng Kristong Hari, ating balik-tanawin ang Tatlong Katungkulan ng ating Panginoon:
- Siya ay Propeta, sapagkat Siya ang Verbo (Salita) na nagkatawang-tao. Inihayag Niya ang kalooban ng Diyos Ama at tinuturuan Niya tayong tahakin ang daan ng kaligtasan.
- Siya ay Pari, sapagkat inialay Niya ang Kanyang sarili bilang hain sa Ama para sa ating kaligtasan at upang pagkalooban tayo ng pagpapala.
- Siya ay Hari, sapagkat Siya ang Panginoon ng lahat ng bagay at ng ating puso, at inaakay Niya tayo sa buhay na walang hanggan.
Bilang mga mananampalataya na tumanggap ng Sakramento ng Binyag, tayo rin ay tinatawag na makibahagi sa tatlong katungkulan ni Kristo bilang misyon sa ating buhay. Ito ay ating naisasakatuparan sa pakikibahagi natin sa Banal na Pag-aalay ng Misa:
- Sa mga Pagbasa, Mabuting Balita, at Pangaral (Homiliya), nagtuturo si Kristo bilang Propeta. Tayo naman ay nakikinig sa mga araling naglalaman ng Kanyang mga Salita nang may buong
pananalig. - Sa Pag-aalay, at Panalangin ng Pagpupuri at Pasasalamat, muling inihahandog ni Kristo ang Kanyang sarili bilang Pari at Alay, katulad ng ginawa Niya sa Kalbaryo. Inihahandog din natin ang ating mga sarili kasama Niya at ng Kanyang Mistikong Katawan na naghahain sa Diyos Ama.
- Sa Pakikinabang (Komunyon), si Kristo ay sumasaatin bilang Hari upang manahan sa ating mga puso. Sa ating pagtanggap ng Banal na Eukaristiya, isinusukli natin ang Kanyang mga biyaya ng pagmamahal at paglilingkod sa Diyos at sa kapwa nang may kababaang-loob.
~ BRYAN ACOSTA
Through this Gospel, I came to understand more deeply what it truly means to be a King. Jesus is the King who does not rule through power, pride, or authority, but through humility, compassion, and unconditional love for His people. Unlike the leaders we encounter in our world today, Jesus does not seek recognition or glory for Himself. Instead, He teaches us that true leadership is found in serving others. This reminds me that no one deserves to take the place of Christ as King in our lives, for He alone is the King whose love and sacrifice never fail.
What touched me most was when Jesus said, “Whatever you did for one of these least brothers of mine, you did for me” and also reminded us that whatever we failed to do for them, we also failed to do for Him. These words made me reflect on how I treat the people around me. Sometimes, we think that serving God means simply attending Mass, praying, or participating in Church activities. However, this Gospel reminds me that our faith must also be seen in how we treat others, especially those who need our kindness, understanding, and compassion.
As someone who serves the Church, I am reminded that my service should never be about recognition, position, or simply fulfilling a responsibility. Rather, it should come from a heart that genuinely loves God and sees Him in every person I encounter. Jesus teaches me that even the smallest acts of kindness can become an expression of love for Him. As we celebrate Christ the King, may I not only recognize Him as my King through my words and prayers but also allow Him to reign in my heart through the way I love, serve, and treat others.
~ MARDIN RHEYZIEL NUNGAY
Originally published in the Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter (November 22, 2026 issue).
Diocese of Parañaque









