Source: Neo Jeremiah Voice of the Young Prophet Newsletter (May 29, 2016 issue)

neo-jeremiahWe are inviting young parishioners to join us in our Bible study and sharing sessions every Sunday @ 4:00 PM at the Parish Hall

Click here to know more or
you may contact us:

Globe: 0927-323-6150
Sun: 0932-487-3188
Smart: 0998-854-4091

Makahulugan ang isinulat ni Papa Benedicto XVI sa apostolic exhortation na pinamagatang Sacramentum Caritatis. Ayon sa kanya, “The love that we celebrate in the sacrament is not something we can keep to ourselves. By its very nature, it demands to be shared with all” (SC.84)

Ang ganitong kaisipan ay angkop na pagnilayan sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo o Corpus et Sanguis Christi. Inilarawan sa ebanghelyo ang pagpaparami ng tinapay. Noon pa man ang himalang ito ay iniugnay na sa Banal na Eukaristiya. Ang mga kilos at pananalita ni Jesus ay tumutukoy sa magaganap sa Huling hapunan.

“Pinaghati-hati niya ang mga ito at binigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.” Iisa ang diwa – kailangan hati-hatiin, kailangang ibigay, kailangang ipamahagi. Sa wikang Ingles – bread broken, bread shared. Kaya naman ang naganap ay tinawag na Himala ng pag-ibig.

Sa nabanggit na dokumentong Sacramentum Caritatis, niliwang ng santo papa na ang Eukaristiya ay hindi lamang pinaniniwalaan (a mystery to be believed), hindi lamang ipinagdiriwang (a mystery to be celebrated),  kundi ito ay isinasabuhay (a mystery to be lived). Bahagi ng pagsasabuhay ng Eukaristiya ay ang pagbabahagi.

Ang tumatanggap ay dapat ding magbigay. Kung sa pagdiriwang ng Banal na Misa ay tumatanggap tayo ng pag-ibig ni Kristong nag-alay ng buhay para sa ating kaligtasan, hinahamon tayong magbahagi rin ng pag-ibig para sa kagalingan at kaligtasan ng kapwa.

Paulit-ulit kong sinasabi sa homiliya, “Sayang ang Banal na Misa kung ang dumadalo rito ay mananatiling makasarili.” Kabalintunaan kung walang pag-ibig at pagbabahagi.
Tama ang santo papa. Hindi nain sasarilinin ang pag-ibig na ipinagdiriwang sa Eukaristiya. Kailangang ibahagi ito sa ating kapwa.